Posts

KALAS GAPOS SA KABABAIHAN AT KABATAAN

Image
          Matalino't sensitibong kritisismo susi sa dalisay na pagsugpo ng diskriminasyon. Bakit pa ba mangangaral? Bakit kailangan pang gumawa ng programa? Kung ang mga tao lang din naman ang sakit sa pang-didiskrimina? Ngunit paulit-ulit na ang mga ingay, nakakarindi't nakakasuya. Bilang isang mag-aaral ano nga ba ang magagawa?            Ang pinaka-unang gagawin namin ay ang pag-buo ng magandang pundasyon sa sarili. Maging alerto tayo sa ating mga sarili bago pumuna ng iba. Pakinggan din natin ang mga haka ng iba. Maging bukas tayo sa mga opinyon ng mga kabataan. Ito'y tatawagin naming "Ang Paham na Pakiwari ng Kabataan." Ang Paham na Pakiwari ng Kabataan:         Ayon kay John Kevin O. Semira, "Bilang isang mamamayan ang maitutulong ko para masugpo ang diskriminasyon at kaharasan sa mga kababaihan at kabataan ay ang pagiging isang mabuting huwaran sa iba. Ipapamalas ko kung gaano kahalaga ang pagrespeto at pantay na pagtrato sa kab